Homeland Security Secretary Nielsen nag-resign

NAGBITIW na si US Homeland Security Secretary Kirstjen Nielsen sa kanyang puwesto.

The post Homeland Security Secretary Nielsen nag-resign appeared first on Abante News Online.

homeland security secretary nielsen nag resign - Homeland Security Secretary Nielsen nag-resign
abante Secretary Nielsen - Homeland Security Secretary Nielsen nag-resign

NAGBITIW na si US Homeland Security Secretary Kirstjen Nielsen sa kanyang puwesto.

Mismong si US President Donald Trump ang nagkumpirma sa pagbibitiw ng opisyal.

“Secretary of Homeland Security Kirstjen Nielsen will be leaving her position, and I would like to thank her for her service,” ayon sa tweet ni Trump.

Ayon sa White House, sariling desisyon ni Nielsen ang umalis sa puwesto at hindi nila ito pinilit taliwas sa kumakalat na balitang hiningi ni Trump ang kanyang pagbibitiw.

Magiging kahalili pansamantala ni Nielsen si Customs and Border Protection Commissioner Kevin McAleenan.

Nangyari ang pagbitiw ni Nielsen matapos na bisitahin ni Trump ang Mexico border.

Si Nielsen ang pinakahuli sa hanay ng matataas na opisyal ni Trump na nagbitiw sa puwesto.

Enero 2017 nang pumasok sa administrasyon ni Trump si Nielsen.

The post Homeland Security Secretary Nielsen nag-resign appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *