Home quarantine sa COVID positive ibabawal

Simula sa susunod na linggo, ipatutupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng No-Home Quarantine sa mga positibo sa COVID-19 upang maiwasan ang hawaan sa loob ng kanilang tahanan.

The post Home quarantine sa COVID positive ibabawal first appeared on Abante.

home quarantine sa covid positive ibabawal - Home quarantine sa COVID positive ibabawal
abante covid 2 - Home quarantine sa COVID positive ibabawal

Simula sa susunod na linggo, ipatutupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng No-Home Quarantine sa mga positibo sa COVID-19 upang maiwasan ang hawaan sa loob ng kanilang tahanan.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Ano, hindi na kailangang i-home quarantine (HQ) ang mga COVID-19 positive dahil may mga hotel at pasilidad abg gobyerno para ihiwalay sila sa kanilang mga pamilya.

“Very important kasi na talagang mailabas sila sa bahay kasi mahahawa ‘yung pamilya nila. That is for the sake of family members,” ani Ano.

Gayunman, may mga exemption naman dito tulad ng mga matatanda na hindi na kaya pang mailipat sa mga quarantine facility sa kanilang lugar.

Ngayon pa lang ay pinapa-plantsa na aniya nilang mabuti ang programa para sa pag-apruba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Samantala, iginiit ng Department of Health (DOH) na “the best” pa rin ang mga.pasilidad ng gobyerno para pagdalhan sa mga positibo sa COVID-19. (Mia Billones)

The post Home quarantine sa COVID positive ibabawal first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *