Holdaper nanlaban sa presinto, tinadtad ng bala

Patay ang isang notoryus na kriminal matapos na mang agaw ng baril ng isang policewoman sa loob ng investigation room ng Manila Police District-Police Station 3, kamakalawa nang hapon sa Maynila.

The post Holdaper nanlaban sa presinto, tinadtad ng bala appeared first on Abante News Online.

holdaper nanlaban sa presinto tinadtad ng bala - Holdaper nanlaban sa presinto, tinadtad ng bala
2019 Abante Patay Jailed Dead - Holdaper nanlaban sa presinto, tinadtad ng bala

Patay ang isang notoryus na kriminal matapos na mang agaw ng baril ng isang policewoman sa loob ng investigation room ng Manila Police District-Police Station 3, kamakalawa nang hapon sa Maynila.

Nabatid sa Manila Police District-homicide section, nasawi dahil sa tatlong tama ng bala sa dibdib ang suspek na si Enrique Lugtu Jr. y Alejandrino, alyas ‘Jr’, 37-anyos, miyembro ng Sigue Sigue Commando Gang at residente ng 2310 Oroquetta St., Brgy. 348, Sta Cruz, Maynila.

Naganap umano ang insidente dakong alas-3:45 nang hapon sa nabanggit na lugar.

Isasailalim umano sa booking proceedings ang suspek na unang naaresto dahil sa paglabag sa RA 9175 kilala bilang Dangerous Drug Act of 2002 at sinasabing suspek rin sa robbery with homicide noong Mayo 26.

Nasa loob ng investigation room ang suspek nang bigla nitong agawin ang baril ni PCpl Analyn San Victores.

Nagawa pa nitong maitutok at iputok kay San Victores ang baril pero hindi pumutok dahil walang load na bala.

Nakita ni PSSgt Vhermon Guerrero at PCpl Rhrisnel Vidanes ang ginawa ng suspek dahilan para ito ay barilin.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang suspek pero idineklarang patay alas-4:18 nang hapon.

Ang suspek ang umano’y holdaper na nagtulak sa biktimang si Emelita Legnes palabas sa isang pampasaherong jeep nang manlaban ito habang hinoholdap ng suspek,kasabwat ang isang driver at isa pa noong Mayo 26 ng alas-10:30 nang gabi sa may Dimasalang St. sa Maynila.

Apat na araw na naratay ang biktima pero bjnawian rin ng buhay dahil sa internal hemorrhage. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Holdaper nanlaban sa presinto, tinadtad ng bala appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *