HK ramdam ang krisis sa pagbagsak ng tourist arrival

APEKTADO na ang turismo sa pang-15 linggo protesta sa Hong Kong.

hk ramdam ang krisis sa pagbagsak ng tourist arrival - HK ramdam ang krisis sa pagbagsak ng tourist arrival
ABANTE Hong Kong - HK ramdam ang krisis sa pagbagsak ng tourist arrival

APEKTADO na ang turismo sa pang-15 linggo protesta sa Hong Kong.

Ito ay bunsod ng pagbagsak ng tourist arrival na naitala sa 40 porsiyento mula sa record noong Agosto nakaraang taon, ayon kay Financial Secretary Paul Chan.

Sinabi ni Chan sa kanyang blog na ito ang pinakamalaking pagbagsak ng turismo ng Hong Kong simula noong 2003 dahil naman sa SARS outbreak.

“Social issues in the past few months, especially the continued violent clashes and blockading of airport and roads, have seriously impacted Hong Kong’s international image as a safe city,” bahagi ng post ni Chan.

Partikular na tinamaan sa turismo ay ang retail at hotel industry.

Ito ay dahil maraming itinakdang meeting o business trip ang kinansela dahil sa patuloy na demonstrasyong nangyayari.

Kung pagbabasehan ang record ng pagdating ng mga turista noong Agosto 2018 ay katumbas ng 40 porsiyentong pagbagsak ay pagkabawas ng 3.5 milyong mga turista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *