HK leader inokray sa presscon

HK leader inokray sa presscon

Ginisa ng mga reporter si Hong Kong Chief Executive Carrie Lam sa ipinatawag nitong press conference kaugnay ng patuloy na kilos-protesta na ikinaparalisa ng international airport nitong Lunes.

hk leader inokray sa presscon - HK leader inokray sa presscon
hk - HK leader inokray sa presscon

Ginisa ng mga reporter si Hong Kong Chief Executive Carrie Lam sa ipinatawag nitong press conference kaugnay ng patuloy na kilos-protesta na ikinaparalisa ng international airport nitong Lunes.

Halos maluha si Lam sa mga masasakit na tanong na ibinabato sa kanya ng mga reporter.

Madalas din sumingit ang mga reporter habang nagsasalita pa ang Hong Kong leader kaya’t sinabihan sila ng moderator na patapusin muna ito.

Ilan sa mga ibinatong tanong kay Lam ay kung kailan nito tatanggapin ang ‘political responsibility’ upang matigil na ang pagkatakot ng mga tao sa kanya, kung kailan ito bababa sa puwesto at kung kailan uutusan ang mga pulis na tigilan na ang pananakit sa mga demonstrador.

Sa ilalim ng ‘One country, two systems’ principle, may kalayaan ang mga miyembro ng media sa Hong Kong kumpara sa mainland China.

Kahit noong natapos na ang presscon, may ilang reporter ang nagsalita habang papaalis si Lam kung kailan daw ito mamamatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *