Hirit ni Win: Regulasyon ng mga e-cigarette, isabatas

DAPAT umanong magkaroon ng batas para sa regulasyon ng pagbebenta ng mga e-cigarette sa bansa, ayon kay Senador Win Gatchalian.

hirit ni win regulasyon ng mga e cigarette isabatas - Hirit ni Win: Regulasyon ng mga e-cigarette, isabatas
ABANTE e cigarette 1 - Hirit ni Win: Regulasyon ng mga e-cigarette, isabatas

DAPAT umanong magkaroon ng batas para sa regulasyon ng pagbebenta ng mga e-cigarette sa bansa, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng pagbitiw ng Juul Labs CEO sa tungkulin sa gitna ng luma­laking kontrobersiya sa Estados Unidos sa usaping kaligtasan ng mga produktong galing sa nasabing kompanya.

“Hinahanda na namin ang panu­kalang batas na ihahain sa mga susunod na araw para maisaayos ang ­packaging, advertisement, pagbebenta, at distribusyon ng e-cigarettes sa bansa, kasama na ang Juul,” ani Gatchalian.

Paliwanag pa ng senador, hindi tulad ng mga produktong tabako, ang mga e-cigarette ay mas madaling bilhin at mas nakakaakit sa kabataan dahil maaari itong mabili online, makulay ang packaging, kakaiba ang lasa, at walang amoy kagaya ng tipikal na tabako.

Dahil dito, ang mga e-cigarette product ay nagiging sanhi ng nicotine addiction sa bagong henerasyon.

“Bukod pa rito, sinasabi ng manufacturers, distributors at mga nagtitinda ng e-cigarettes na mas ligtas na alternatibo ito sa tradisyunal na sigarilyo kung kaya’t kailangan natin ng regulatory framework para siguruhin ang safety claims ng e-cigarettes­ na binibenta sa merkado,” ani ­Gatchalian. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *