Hirit ni De Lima na makaboto pinaboran ng korte

PINAYAGAN ng dalawang sala ng Muntinlupa Regional Trial Court ang nakadetine na si Sena­tor Leila de Lima na maka­boto sa eleksyon sa Mayo 13.

The post Hirit ni De Lima na makaboto pinaboran ng korte appeared first on Abante News Online.

hirit ni de lima na makaboto pinaboran ng korte - Hirit ni De Lima na makaboto pinaboran ng korte
Abante Delima - Hirit ni De Lima na makaboto pinaboran ng korte

PINAYAGAN ng dalawang sala ng Muntinlupa Regional Trial Court ang nakadetine na si Sena­tor Leila de Lima na maka­boto sa eleksyon sa Mayo 13.

Sa ipinadalang dalawang pahinang court order sa Department of Justice (DOJ) ng Muntinlupa RTC Branch 205, nabatid na pinayagan nito ang urgent motion for furlough na isinampa ng kampo ni De Lima.

Una na umanong tinanggihan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ni De Lima na maglagay ng special polling place sa PNP Custodial Center para siya makaboto dahil sa umiiral sa Sec 155 ng Omnibus Election Code na nagbaba­wal sa paglalagay ng polling center sa permiter ng kampo.

Sa order na may petsang Abril 30, pinayagan si De Lima na lumabas sa PNP detention cell.

Binigyan ni Judge Liezel Aquiatan si De Lima ng mula alas-12 nang tanghali hanggang alas-dos nang hapon kasama ng kanyang mga police escort para bumoto sa Mayo 13.

Nabatid na maging ang Muntinlupa RTC Branch 256 ay pinayagan rin ang katulad na motion ni De Lima.

Si De Lima ay boboto sa isang paaralan sa Parañaque.

Pinagbawalan rin si De Lima na magpa-interview sa media bago at pagkatapos na bumoto.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Hirit ni De Lima na makaboto pinaboran ng korte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *