Hirit ng gobyerno: CPP-NPA walisin sa Twitter, FB

KASUNOD ng permanenteng pag-ban ng Twitter account ni US President Donald Trump dahil sa mga inilalabas nitong delikadong pahayag na inciting to violence sa US Capitol, sinabi ng Legal Cooperation Cluster of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) na dapat ganito rin ang gawin sa mga social media accounts ng CPP-NPA leaders.

The post Hirit ng gobyerno: CPP-NPA walisin sa Twitter, FB first appeared on Abante.

hirit ng gobyerno cpp npa walisin sa twitter fb - Hirit ng gobyerno: CPP-NPA walisin sa Twitter, FB
SOCMED 2 - Hirit ng gobyerno: CPP-NPA walisin sa Twitter, FB

KASUNOD ng permanenteng pag-ban ng Twitter account ni US President Donald Trump dahil sa mga inilalabas nitong delikadong pahayag na inciting to violence sa US Capitol, sinabi ng Legal Cooperation Cluster of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) na dapat ganito rin ang gawin sa mga social media accounts ng CPP-NPA leaders.

Nanawagan ang NTF ELCAC cluster sa malalaking social media platform na Facebook at Twitter na gawing patas ang higpit sa standard sa civility na gaya ng ginawa sa mga account ng US President.

Ganito rin kasi anila ang mga social media accounts ng mga lider at opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

“Like Trump, these cadres of terrorists, on a more regular, systematic, and coordinated manner, sow disorder and advocate violence, with a marked emphasis on recruiting the impressionable youth,” ayon pa sa NTF-ELCAC.

Dagdag pa ng NTF ELCAC, hindi gaya ni Trump, ang CPP-NPA, ang ang political arm, ang National Democratic Front (NDF) ang hindi nagkukunwari na democratic o mapayapa.

Dagdag nila walang pakialam ang mga rebelde sa buhay ng tao at mga gamit na nasisira.

“Violence is what prompted them to cut off Trump. We hope this same base impulse prompts them to take down the CPP-NPA-NDF’s social media platform,” sinabi ng NTF ELCAC.

Ang CPP-NPA ay nakalista bilang terrorist organization ng Estados Unidos, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at Pilipinas.(Kiko Cueto)

The post Hirit ng gobyerno: CPP-NPA walisin sa Twitter, FB first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *