Hirit kay Cayetano: pork pa more!

HINDI lang P100 milyon ang matatanggap ng bawat miyembro ng Kamara sa ilalim ng liderato ni house speaker Alan Peter Cayetano­ kundi tumataginting na P700 milyon sa ilalim ng panukalang budget ng pamahalaan para sa 2020.

hirit kay cayetano pork pa more - Hirit kay Cayetano: pork pa more!
cayetano 10 - Hirit kay Cayetano: pork pa more!

HINDI lang P100 milyon ang matatanggap ng bawat miyembro ng Kamara sa ilalim ng liderato ni house speaker Alan Peter Cayetano­ kundi tumataginting na P700 milyon sa ilalim ng panukalang budget ng pamahalaan para sa 2020.

Base sa natanggap na impormasyon ni Senador Panfilo Lacson, itinaas sa P700 milyon ang alokasyon sa bawat congressman para wala umanong gulo.

Ang 22 deputy speaker naman ng Kamara ay magkakaroon ng tig-P1.5 bilyon.

“That was the initial information we ­received, hindi P16B. The initial report we received, each deputy speaker, 22 of them, will be receiving an additional allocation of P1.5B. Easily that’s P33B,” pahayag ni Lacson sa panayam kahapon ng mga reporter.

“Each congressman will be given an allocation of P700M. I hope that does not push through because that was a report transmitted to my office by some congressmen themselves. Na yan pinagusapan nila, para walang gulo, tig-700M.

When we are talking of P700M per congressman, times 300, that’s P21B.

Plus P33B per deputy speaker kung matutuloy na P54B in pork,” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ni Lacson na hindi pa naman aprubado sa Kamara ang 2020 budget dahil nasa period of amendment pa lamang ang mga ito.

Sa oras na na-transmit na sa Senado ang 2020 panukalang budget, kanila umanong bubusisiin ang bilyong pondo alokasyon na inilaan para sa mga kongresista.

“I just hope they won’t push through with that plan kasi makikita at makikita yan and that’s a bit too much for members of the House of Representatives to be given that much appropriation,” saad ni Lacson.

Kung totoo aniya ang inilaang alokasyon sa mga kongresista, kanya umanong kukuwestiyunin ang pagkakapareho nito lalo na’t iba-iba naman ang pangangailangan at prayoridad ng bawat distrito.

“Hindi dapat pare-pareho ang allocation sa districts. It should be needs-based and priority-based because there are districts that would need more than other districts,” ani Lacson.

“Bakit mo gagawing equal ang distribution ng infrastructure na P70 million and soft projects na P30 million, mukhang hindi tama,” sambit pa nito.

Kung dumaan umano sa konsultasyon ang naturang alokasyon, sinabi ni Lacson na hindi niya kukuwestiyunin, pero kung hindi umano maipaliwanag ng Kamara, makokonsidera aniya itong ‘abuse of discretion’ at paglabag sa desisyon ng Korte Suprema na nagsabing ‘unconstitutional’ ang pork barrel.

“Sinabi nila per district P100 million. Nasaan ang items? Ano ang description? At nasaan ‘yan? Kung introduce pa lang nila as individual amendments, na bawa’t isa P100 million, if it is not pork, I don’t know what it is,” ani Lacson.

“Wala pa [akong nakikita] kasi they are still in their period of amendments. So we will wait for the final version of the [House] bill to find out ano ang difference nito from the NEP [National Expenditures Program] as submitted by the President,” wika pa nito.

(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *