Hindi siya sabit! Gordon kinampihan si Duque

WALA umanong nakitang sapat na ebidensiya para sa kasong kriminal laban kay Health Secretary Francisco Duque III .

The post Hindi siya sabit! Gordon kinampihan si Duque first appeared on Abante.

hindi siya sabit gordon kinampihan si duque - Hindi siya sabit! Gordon kinampihan si Duque
dick gordon - Hindi siya sabit! Gordon kinampihan si Duque

Wala umanong nakitang sapat na ebidensiya para sa kasong kriminal laban kay Health Secretary Francisco Duque III .

Ito ang sinabi ni Senador Richard Gordon kasunod nang paglabas ng Senate committee of the whole report kung saan inirekomenda ang paghahain ng kasong malversation at graft laban kay Duque at iba pang opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ito’y kaugnay ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) funds na ini-release sa pinaborang mga ospital sa bansa.

“It’s not popular to be seen as supporting Duque. He was never there. He did not participate [in the IRM], he was absent,” pahayag ni Gordon sa panayam sa ANC.

“If there are other things that they can charge him with, then they’ll have to come up with something. In my view, whenever I make accusations, I make sure that I have a piece of paper that supports it,” dagdag nito.

Nang tanuninging kung sapat ba ang ebidensiya kay Duque, sinabi ni Gordon na, “No!”.

“The man is totally besieged. He inherited a DOH that is actually a snake pit. There are certain people within PhilHealth that really favored certain hospitals,” paliwanag pa ng senador.

Sabi pa ni Gordon ang mafia na sangkot sa katiwalian sa PhilHealth ay kinabibilangan ng mga regional vice presidents ng ahensiya sa buong Pilpinas.

Sinabi pa nitong magbibigay siya ng manifestation sa Senate floor tungkol sa kanyang reservation sa panukalang kaso kay Duque. (Dindo Matining)

The post Hindi siya sabit! Gordon kinampihan si Duque first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *