Hindi ko bata ang 13 ninja cop – Albayalde

Mariing pinabulaanan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde na ‘bata’ niya si Major Rodney Baloyo IV at 12 iba pang pulis na sangkot sa kontrobersyal na drug-bust operation sa Pampanga noong 2013.

hindi ko bata ang 13 ninja cop albayalde - Hindi ko bata ang 13 ninja cop – Albayalde
albayalde 6 - Hindi ko bata ang 13 ninja cop – Albayalde

Mariing pinabulaanan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde na ‘bata’ niya si Major Rodney Baloyo IV at 12 iba pang pulis na sangkot sa kontrobersyal na drug-bust operation sa Pampanga noong 2013.

Sa kanyang opening statement sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado, inihayag ni Albayalde na bago pa man siya italaga sa Pampanga Provincial Police Office noong Mayo 1, 2013, nadatnan na umano niya doon si Baloyo at ang 12 pang pulis.

Gusto umano sana niyang italaga noon si Superintendent Raquel Linggayu bilang Pampanga intelligence chief subalit hawak umano iyon ni Baloyo.

“When I was assigned in Pampanga wala akong bitbit (na tao). Just to make things clear kasi parang may notion na bitbit ko ang mga tao na ito from the very beginning,” ani Albayalde.

Aniya, hindi umano ‘bata’ ang 13 pulis Pampanga na sinasabing mga “ninja cop” o sangkot sa pag-recycle ng mga nakumpiskang iligal na droga.

“Bata is a general term used sa mga tao. Kapag sinabing batang sarado ‘yan ay bitbit ko from the very beginning,” anang PNP chief.

Binigyang-diin pa nito na hindi rin umano siya nakasuhan ng kasong kriminal o administratibo matapos sibakin sa puwesto kasunod nang naturang operasyon na pinangunahan ni Baloyo.

“I was floating for eight months, after investigation very clear naman na walang nakita kasi I was never charged, both criminally and administratively,” sabi ni Albayalde.

Kinumpirma naman ito ni dating chief Raul Petrasanta matapos tanungin ni Senador Panfilo Lacson.

Kinuwestiyon naman ni Senador Richard Gordon si Albayalde kung bakit hindi nito kinuwestiyon ang pagtanggal sa kanya sa nasabing puwesto.

Paliwanag naman ni Albalyade, dahil nasa floating status na umano siya dati, hindi umano siya magreklamo dahil bahagi na iyon ng kanilang serbisyo at sumusunod lang siya sa utos ng nakakataas sa kanya.

“You just follow orders and wait for the right timing until I was able to get another post,” paliwanag ni Albayalde.

“You cannot make a motion when you are in a floating status, it is part of the service. Kaya tayo nagre-relieve to give way to the investigation,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *