Himala! Walang paggalaw sa presyo ng petrolyo

Bihirang mangyari ito, walang magaganap na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ngayong Martes (Agosto 6).

himala walang paggalaw sa presyo ng petrolyo - Himala! Walang paggalaw sa presyo ng petrolyo
abante petrolyo - Himala! Walang paggalaw sa presyo ng petrolyo

Bihirang mangyari ito, walang magaganap na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ngayong Martes (Agosto 6).

Mistulang nagkaisa ang lahat ng mga kumpanya ng langis na hindi galawin ang presyo ng petrolyo ngayong linggo makaraang unang matantiya ang maliit na pagbabago sa presyo.

Sa kani-kanilang advisory, nagpasabi ang PTT Philippines Pilipinas Shell, Chevron Philippines (Caltex), Seaoil Philippines, Flying V, at maging ang small-player na Petro Gazz na wala silang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Wala pang abiso ang ibang kompanya ng langis ngunit inaasahan na susunod rin sila na wala rin paggalaw sa presyo ng petrolyo. (Armida D. Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *