Hilig sa barat! GMA gusto libreng video sa baha

Muling umalingasaw ang gawain ng GMA-7 na panghihingi ng mga libreng video patungkol sa mga kalamidad tulad ng baha.
The post Hilig sa barat! GMA gusto libreng video sa baha first appeared on Abante.


Muling umalingasaw ang gawain ng GMA-7 na panghihingi ng mga libreng video patungkol sa mga kalamidad tulad ng baha.
Ito’y matapos na ilantad ni Ezra Acayan, photojournalist para sa Getty Images, ang liham na pinadala sa isang drone operator sa Tuguegarao kung saan nais i-waive ng network ang bayad para sa nakuhang footage sa pagbaha sa Cagayan.
Sa nasabing liham na naka-address para kay Louie Antonio, nakasaad na ang naturang video na nais kuhanin ng libre ng GMA ay para sa kanilang documentary sa ‘The Atom Araullo Specials’.
Saad sa naturang dokumento na hinihiling ng network na gamitin ang video at i-waive ang lahat ng fee, kasama ang mga royalty, para kay Antonio.
Nakalagay din dito na kapag pumayag si Antonio ay may karapatan na ang GMA na ibenta at i-license ang naturang episode na may video ng drone operator, at tanging ‘media mileage’ lamang ang mabibigay para sa kumuha ng video.
Here's @gmanews asking a drone operator in Tuguegarao (who's family was also one of those affected) for free footage of the flooding.
Some keywords here are "waive all fees" and "you acknowledge that GMA has the right to sell, license or sublicense." pic.twitter.com/JvHdA7kXBJ
— Ezra Acayan (@eacayan) November 29, 2020
Dati nang pinuna ni Acayan ang panghihingi ng libreng materyal ng GMA matapos ding mag-request sa kanya na kuhanin ang kanyang kuhang larawan na walang bayad.
The post Hilig sa barat! GMA gusto libreng video sa baha first appeared on Abante.