Higit 700 Pinoy nurse sa UK tinamaan ng COVID

Nadagdagan ng 26 ang mga Pinoy nurse sa United Kingdom na nahawa ng COVID-19, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

The post Higit 700 Pinoy nurse sa UK tinamaan ng COVID first appeared on Abante.

higit 700 pinoy nurse sa uk tinamaan ng covid - Higit 700 Pinoy nurse sa UK tinamaan ng COVID
nurse - Higit 700 Pinoy nurse sa UK tinamaan ng COVID

Nadagdagan ng 26 ang mga Pinoy nurse sa United Kingdom na nahawa ng COVID-19, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa isang ulat na ipinarating kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa London na umabot na sa kabuoang bilang na 776 ang mga Pinoy frontliner sa UK batay sa naitala sa nakalipas na dalawang araw.

Sinabi pa ni Labor Attaché Amy Reyes na ang mga bagong kaso ay kabilang sa tumaas na hawaan ng virus sa UK.

Ani Reyes ang 25 na nahawaang mga Pilipino nars at isang healthcare worker ay naibukod na ngayon, at binibigyan ng tulong. Siyam umano sa mga nahawa ay na-deploy sa UK ngayong taon lamang habang natitira ay nagtatrabaho sa Britain mula pa noong 2019.

Gayunpaman, hindi niya sinabi kung ang impeksiyon ay ang bagong strain ng virus. (Mina Navarro)

The post Higit 700 Pinoy nurse sa UK tinamaan ng COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *