Higit 1K convict sumuko bago matapos ang deadline

Higit sa isang libong convict na napalaya sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance­ (GCTA) law ang sumuko bago nata­pos ang pinairal na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes nang gabi.

higit 1k convict sumuko bago matapos ang deadline - Higit 1K convict sumuko bago matapos ang deadline
sumusko - Higit 1K convict sumuko bago matapos ang deadline

Higit sa isang libong convict na napalaya sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance­ (GCTA) law ang sumuko bago nata­pos ang pinairal na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes nang gabi.

Ayon kay Justice Undersecretary Mark Perete, kabuuang 1,025 na ang bilang ng mga sumuko nitong alas-dos nang hapon kahapon, Setyembre 19. Ituturing na pugante ang hindi susuko sa itinakdang deadline.

Ngayong araw, magbibigay sila ng bagong listahan sa Department of Interior and Local Government (DILG) na magsisilbi nitong gabay sa muling pag-aresto sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na hindi tumalima sa itinakdang panahon para sila ay kusang sumuko.

Magiging laman naman ng cleaned-up list ang detalye kaugnay sa PDL, kasama na ang krimen na kanilang nagawa, ang kanilang hu­ling address, pati na ang kanilang litrato nang sa gayon ay maiwasan ang mistaken identity sa gagawing pag-aresto.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), nasa kabuuang 1,914 heinous crime convict ang napalaya mula 2014 dahil sa expanded GCTA law.

Tiniyak naman ng Department of Justice (DOJ) na wala ni isa mang GCTA convict ang nakalabas ng bansa.

“Based on the data check recently completed­ by the Bureau of Immigration, none of the names in the list of prematurely released PDLs (persons deprived of liberty) issued by BuCor appeared in the database of passengers who have recorded departures,” saad ni Perete.

Nagsagawa ang BI ng beripikasyon matapos sabihin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakatatanggap umano ito ng mga ulat na mayroong bilang ng mga napalaya sa bisa ng GCTA ang nakalabas na ng Pilipinas. ­(Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *