Heneral pinapasuka P26M hinulidap ng mga ‘bata’

Hanggang kailan kaya itatago ng isa sa mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang kabulastugan ng kanyang mga tauhan?

The post Heneral pinapasuka P26M hinulidap ng mga ‘bata’ first appeared on Abante.

heneral pinapasuka p26m hinulidap ng mga bata - Heneral pinapasuka P26M hinulidap ng mga ‘bata’
Abante Kartada 8 - Heneral pinapasuka P26M hinulidap ng mga ‘bata’

Hanggang kailan kaya itatago ng isa sa mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang kabulastugan ng kanyang mga tauhan?

May nakarating na impormasyon kay Mang Teban tungkol sa kalokohan ng ilang tauhan ng PNP bago mag-Pasko. Hinulidap daw ng mga mokong nitong tauhan ang isang Chinese at kinikilan ng tumataginting na P26M.

Nagreklamo na raw sa opisyal ang biniktimang dayuhan para isuplong ang halos isang dosenang bugok na tauhan ng PNP noong araw mismo ng Pasko.

Pero mula nang magsumbong sa opisyal ng mga nanghulidap na pulis ay hindi na uli lumutang ang Chinese na posibleng dahilan kaya hindi pa umarangkada ang kaso at nananatiling tahimik si General sa isyu.

Usap-usapan rin sa istasyon ng pulisya na pinapalabas diumano ni General sa mga nanghulidap na pulis ang kanilang kinulimbat na P26M.

Ang tanong mailabas pa kaya ng mga pulis ang nasabing halaga gayong umamin daw ang mga ito nang kornerin ni General na nagkapartehan na sila ng tig-P1M.

Kung sampung pulis ang nabiyayaan ng tig-P1M ay may natitira pang P16M. Ang sunod na tanong, mapiga kaya ni General ang mga bata para malaman kung kaninong mabuting kamay ito napunta?

Clue: Si General ay tahimik pero matinding magalit kung gumawa ka ng kabulastugan. May letrang N sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Nauubos na pasensya ni Sir kaya ilabas n’yo na ang milyones!

The post Heneral pinapasuka P26M hinulidap ng mga ‘bata’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *