Helper nagulungan ng tractor

KAAGAD na nasawi ang isang helper nang mahulog ito sa tractor head na kanyang sinasakyan sa Valenzuela City kahapon.

The post Helper nagulungan ng tractor appeared first on Abante News Online.

helper nagulungan ng tractor - Helper nagulungan ng tractor
DEAD BODY1 - Helper nagulungan ng tractor

KAAGAD na nasawi ang isang helper nang mahulog ito sa tractor head na kanyang sinasakyan sa Valenzuela City kahapon.

Namatay noon din si Jovane Montano, 22-anyos, taga-Sawata, San Isidro, Tagum, Davao del Norte, dahil sa tinamong severe head injuries kung saan nagulungan pa ito ng hulihang gulong ng trak.

Ayon sa report ni SPO3 Tirso Delina, head ng Vehicle Traffic Investigation Unit ng Valenzuela Police, alas-nuwebe nang umaga nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Plastic Avenue sa harap ng Infinity Eight Trading Corporation, Barangay Viente Reales, Valenzuela City.

Minamaneho ni Filadelfo Padayhag, 50, nakatira sa Sinilyasi St., Lapu-Lapu Ext., Barangay 8, Caloocan City ang tractor head (GLU-572) kung saan nakasakay sa likod si Montano na helper ng una.

Sa tulin ng trak ay aksidenteng nadulas ang biktima, nalaglag sa sasakyan, tumama sa semento at pumailalim pa kaya nahagip ng gulong.

Nang makita ni Padayhag sa side mirror si Montano ay huminto ito para tulungan sana pero wala na itong buhay. (Orlan Linde)

The post Helper nagulungan ng tractor appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *