‘Hello, Love, Goodbye’ unang Pinoy film sa Jeddah

INANUNSYO ni Star Cinema executive Mico del Rosario na ipapalabas sa Jeddah, Saudi Arabia ang ‘Hello, Love, Goodbye’ na pelikulang pinagbibidahan ni Alden Richards at Kathryn Bernardo sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

hello love goodbye unang pinoy film sa jeddah - ‘Hello, Love, Goodbye’ unang Pinoy film sa Jeddah
ABANTE mo - ‘Hello, Love, Goodbye’ unang Pinoy film sa Jeddah

INANUNSYO ni Star Cinema executive Mico del Rosario na ipapalabas sa Jeddah, Saudi Arabia ang ‘Hello, Love, Goodbye’ na pelikulang pinagbibidahan ni Alden Richards at Kathryn Bernardo sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Sa Instagram post ni del Rosario, binahagi nito ang good news hinggil sa pelikula at sinabing ito ang kauna-unahang Filipino film na ipapalabas sa nasabing bansa at magbubukas sa mga sinehan sa Agosto 8.

Bukod pa umano sa Jeddah, ang nasabing pelikula na tumatalakay din sa mga buhay ng Overseas Filipino worker (OFW) ay magkakaroon din ng commercial release sa Singapore sa kaparehong araw.

Magbubukas din ang ilang sinehan sa Taiwan, Hong Kong, Malaysia, Cambodia, Vietnam, Japan at South Korea para maipalabas ang ‘Hello, Love, Goodbye’ na tumabo na sa takilya dito sa bansa.

Ikinatuwa naman ito ng mga OFW na sabik nang mapanood ang pelikula nina Alden at Kathryn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *