Hello Kitty gasolinahan patok sa mga motorista

Para mapalamig ang ulo ng mga motoristang apektado sa walang humpay na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay kakaibang gimik ang ginawa ng mag-asawang negosyanteng mula sa South Cotabato.

hello kitty gasolinahan patok sa mga motorista - Hello Kitty gasolinahan patok sa mga motorista
youtube 1 - Hello Kitty gasolinahan patok sa mga motorista

ABANTE MO

Para mapalamig ang ulo ng mga motoristang apektado sa walang humpay na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay kakaibang gimik ang ginawa ng mag-asawang negosyanteng mula sa South Cotabato.

Ito ay ang pagdisenyo ng sikat na Japanese cartoon character na Hello Kitty sa kanilang gasolinahan na matatagpuan sa Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato.

Kaya naman kahit baba-taas ang presyo ng gasolina ay nakangiting nagpapakarga ang mga motorista dahil sa kakaiba umanong pakiramdam bunsod ng makulay na gasolinahan.

Ang nasabing gasolinahan na pinangalanang ‘Tres Marias Hello Kitty’ ay pag-aari ng mag-asawang Noime at Francis Murillo.

Halaw ang pangalan ng gasolinahan sa tatlong anak na babae ng mag-asawa.
Si Noime ang nakaisip ng pakulo dahil paborito nitong character ang Hello Kitty na sinuportahan naman ng kanyang mister

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *