Height requirement sa trabaho pinabubura ng ACT-CIS

“Hindi porke’t hindi ka matangkad ay bawal ka ng tanggapin sa trabaho”?

The post Height requirement sa trabaho pinabubura ng ACT-CIS first appeared on Abante.

height requirement sa trabaho pinabubura ng act cis - Height requirement sa trabaho pinabubura ng ACT-CIS
abante work - Height requirement sa trabaho pinabubura ng ACT-CIS

“Hindi porke’t hindi ka matangkad ay bawal ka ng tanggapin sa trabaho”?

Ito ang pahayag ni ACT-CIS Cong. Eric Yap matapos ihain sa kongreso ang House Bill 7740 o ang Anti-Height Requirement Law.

Aniya, may mga trabaho na hindi naman kailangan ng tangkad tulad ng mga receptionists o waiters sa mga hotel at restaurant, sa mga opisina, sa barko o eroplano.

“Sa pulis at military mahigpit ang height requirement pero saan nila gagamitin ang tangkad?” tanong ni Cong. Yap.

Ang importante ayon sa solon ay basta in top health condition at marunong humawak at magpaputok ng baril ay sapat na dapat para makapasok sa PNP at AFP”.

Hirit pa ni Yap na chairman din ng appropriations committee, ang lahi ng mga Pinoy ay hindi matatangkad kaya dapat ay alisin ang height requirement para sa kapakanan ng nakakaraming Pilipino.

“Ang height requirement ay malinaw na diskriminasyon para sa mga maliliit na pilipino”, pahabol ng mambabatas.

The post Height requirement sa trabaho pinabubura ng ACT-CIS first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *