Haze sa Metro ‘di galing sa Taal

HINDI galing sa usok mula sa Bulkang Taal ang nakitang haze sa Metro Manila kahapon bagkus naipon ito dala ng magkasalungat na ihip ng hangin.

haze sa metro di galing sa taal - Haze sa Metro ‘di galing sa Taal
ABANTE Taal 1 - Haze sa Metro ‘di galing sa Taal

HINDI galing sa usok mula sa Bulkang Taal ang nakitang haze sa Metro Manila kahapon bagkus naipon ito dala ng magkasalungat na ihip ng hangin.

Ipinaliwanag ni UP Institute of Environmental Science and Meteorology (IESM) professor Dr. Gerry Bagtasa na dahil sa nagkaroon ng kaunting pag-uulan kahapon kaya ang hangin na hindi gumalaw ay naging parang fog.

“It has nothing to do with Taal. It’s not fog either. Air is currently stagnant because of opposing winds over Metro Manila. High humidity or light rain gives it the appearance of fog,” paliwanag ni Bagtasa.

Sa air quality monitoring ng isang site na Airtoday, nakapagtala ng ‘poor’ air quality kahapon sa Metro Manila na naitala sa 63 hanggang 65 micrograms per cubic meter.

Mataas ito kumpara sa itinatakda ng World Health Organization na 25 micrograms per cubic meter.

Sinabi ni Bagtasa na masama sa kalusugan ang nasabing haze dahil mataas ang antas ng mga pollutant nito sa hangin, sa ganitong pagkakataon ay dapat umanong manatili sa loob at huwag lalabas.

“This has happened before because of the weather,” ani ni Bagtasa.

Sinabi naman ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology- Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division chief Mariton Bornas na nangangalap na sila ng impormasyon para matukoy ang pinagmulan ng haze o kung may posibilidad na galing ito sa Taal.

“We had a brief minor ash emission period today, plus there seems to be rain. Fine ash can remain in suspension in the atmosphere for three days. But this haze could also be just pollution,” paliwanag ni Bornas.

Nitong Biyernes ay nakapagtala muli ng steam emission sa Bulkang Taal na pinakamalakas sa nakalipas na mga araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, alas-5:11 nang umaga nang magsimulang umusok muli ang bu­nganga ng bulkan, ang makapal na usok ay umabot ng 500 meters.

“Ito ay patunay na may aktibidad pa sa ilalim kasi nandiyan pa po ang magma at iyung tubig diyan ay napapakuluan. Wala lang masyadong puwersa para magkaroon ng pagsabog pero iyung steaming eh nag-increase nang konti,” paliwanag ni Solidum. (Tina Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *