Hazard pay ‘di pa nakukuha ng 16K medical frontliner

Hindi pa natatanggap ng higit 16,000 health worker ang ginarantiya sa kanilang hazard pay habang nilalabanan nila ang pandemyang COVID-19.

The post Hazard pay ‘di pa nakukuha ng 16K medical frontliner first appeared on Abante.

hazard pay di pa nakukuha ng 16k medical frontliner - Hazard pay ‘di pa nakukuha ng 16K medical frontliner
worker 2 - Hazard pay ‘di pa nakukuha ng 16K medical frontliner

Hindi pa natatanggap ng higit 16,000 health worker ang ginarantiya sa kanilang hazard pay habang nilalabanan nila ang pandemyang COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH) kahapon, ito ay dahil kulang na sila sa pondo.

Sabi ni Senador Pia Cayetano, na siyang sponsor ng panukalang 2021 budget ng DOH sa plenaryo, nakapag-disburse na ang gobyerno ng nasa P842 milyon para sa hazard pay ng mga health worker.

Pero 16,764 pang medical frontliner ang hindi pa aniya nakatatanggap ng kanilang benepisyo.

“The reason for this is there is no more funding,” bigkas ng mambabatas.

“They just have enough for the length Bayanihan was in effect… so for the new hires, that might have to be a separate appropriation,” aniya pa, pinatutungkulan ang unang COVID-19 aid package ng bansa na Bayanihan to Heal as One Act.

P108.2 milyon pa aniya ang kailangan ng pamahalaan para mabayaran ang hazard pay ng 16,000 health worker.

The post Hazard pay ‘di pa nakukuha ng 16K medical frontliner first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *