Harapin mo katotohanan, talunan ka ! Marcos sinungaling, spoiled brat – VP Leni camp

TINAWAG ng kampo ni Vice President Leni Robredo si dating senador at natalong 2016 vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos na “spoiled brat” at sinungaling, kasunod ng bago nitong hakbang sa kanyang poll protest laban sa pangalawang pangulo.

The post Harapin mo katotohanan, talunan ka ! Marcos sinungaling, spoiled brat – VP Leni camp first appeared on Abante.

harapin mo katotohanan talunan ka marcos sinungaling spoiled brat vp leni camp - Harapin mo katotohanan, talunan ka ! Marcos sinungaling, spoiled brat – VP Leni camp
abante bong bong marcos - Harapin mo katotohanan, talunan ka ! Marcos sinungaling, spoiled brat – VP Leni camp

TINAWAG ng kampo ni Vice President Leni Robredo si dating senador at natalong 2016 vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos na “spoiled brat” at sinungaling, kasunod ng bago nitong hakbang sa kanyang poll protest laban sa pangalawang pangulo.

Naghain ng mosyon si Marcos na mag-inhibit si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa proceedings kaugnay sa kanyang election protest laban kay against Robredo.

“We are not surprised. This is another trademark move of Mr. Marcos. If he doesn’t get what he wants, he moves to attack the integrity of an institution or a person to force them to give in to his desires,” sinabi ng mga abogado ni Robredo na sina Atty. Beng Sardillo at Attuy. Emil Marañon III sa isang pahayag.

Sinabi pa nito na “obvious” ang galawan ni Marcos, na aalma agad kung hindi papabor sa kanyang ang isang bagay.

“May we remind Mr. Marcos that it’s already 2020. This is no longer the period of his father’s reign of terror where they can do anything they want. Stop acting like a spoiled brat who cries when he doesn’t get his candy,” dagdag ng kanyang mga abogado.

Paliwanag ng mga abogado ni Marcos, habang hinihirit nila ang pagdismis sa poll protest dahil sa “lack of merit,” hindi dapat nito inaatake ang isang Supreme Court Associate Justice gaya ng kanyang ginawa nang hilingin din niya na mag-inhibit si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa noong 2018.

Si Caguioa ang dating justice in-charge sa proceedings sa poll protest pero nawala sa kanya ito nang bumoto siya na ma-dismis ang electoral case ni Marcos laban kay Robredo noong Oktubre 2019.

Ito’y dahil bigo umano si Marcos na makakuha ng tinatawag na “substantial recovery of votes” sa tatlong pilot provinces sa ilalimn ng Rule 65 ng Supreme Court.

Dapat din itigil na umano ni Marcos ang kanyang kasinungalingan at tanggapin na lang ang kanyang pagkatalo.

“Pagod na kami na hanggang ngayon, pagkatapos manalo sa eleksyon at sa recount, patuloy pa rin ang panggugulo at pagsisinungaling ni Ginoong Marcos,” sinabi ng mga abogado ni Robredo.

“Face reality. Vice President Leni Robredo won. Twice,” dagdag nila.

Matapos matalo sa manual recount ng 15,000 votes sa tatlong pilot provinces sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental, hinihirit ngayon ni Marcos na ma-annul ang mga boto sa Basilan, Lanao del Sur, at Maguindanao.

Hiningi naman ni Leonen ang opinyon ng Commission on Elections, Office of the Solicitor General, at kampo ni Robredo at Marcos.

Tinalo ni Robredo si Marcos sa 2016 polls ng 263,473 votes.(Kiko Cueto)

The post Harapin mo katotohanan, talunan ka ! Marcos sinungaling, spoiled brat – VP Leni camp first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *