Halos doble noong 2018 Patay sa dengue 1,021 na

Umabot na sa 249,332 katao ang dinapuan ng dengue at 1,021 ang nasawi sa bansa mula Enero 1 hanggang Agosto 21, 2019 ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

halos doble noong 2018 patay sa dengue 1021 na - Halos doble noong 2018 Patay sa dengue 1,021 na
2019 Abante Dengue - Halos doble noong 2018 Patay sa dengue 1,021 na

Umabot na sa 249,332 katao ang dinapuan ng dengue at 1,021 ang nasawi sa bansa mula Enero 1 hanggang Agosto 21, 2019 ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, ang nabanggit na bilang ay higit na mas mataas kumpara sa naitalang 119,224 kaso ng dengue at 622 na nasawi sa kaparehas na panahon noong 2018.

Nalaman sa opisyal, pinakamaraming kaso ng dengue ay naitala sa Western Visayas na may 42,694; sinundan ng CALABARZON, 35,136; Northern Mindanao, 18,799; Zamboanga Peninsula, 17,529; at Eastern Visayas, 17,107.

Nanatili rin umanong lampas sa epidemic threshold ang 10 rehiyon sa bansa.
Ipinaliwanag pa ni Domingo na malamang na tumaas pa ang kaso ng dengue pagpasok ng buwan ng Oktubre at Nobyembre dahil panahon pa rin ito ng tag-ulan.

Kasabay nito ay nanawagan si Domingo sa lahat ng local go­vernment unit na ituloy ang pagsasagawa ng kampanya kontra dengue.

Kinakailangan umanong panatilihin na malinis ang kapaligiran at linisin ang mga lugar na posibleng pamugaran ng mga lamok at dapat umanong i-practice ang 4 ‘S’ strategy para makaiwas sa dengue. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *