Halos 4M Meralco customer apektado ng bagyo

Umabot sa 3.8 milyon o mahigit sa kalahati ng customers ng Manila Electric Company ang nawalan ng kuryente kahapon dahil sa bagyong Ulysses.

The post Halos 4M Meralco customer apektado ng bagyo first appeared on Abante.

halos 4m meralco customer apektado ng bagyo - Halos 4M Meralco customer apektado ng bagyo
abante meralco 2 - Halos 4M Meralco customer apektado ng bagyo

Umabot sa 3.8 milyon o mahigit sa kalahati ng customers ng Manila Electric Company ang nawalan ng kuryente kahapon dahil sa bagyong Ulysses.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, naibalik na ang kuryente sa ilan at bumaba na sa 2.5 milyon ang wala pa ring kuryente. Pinakamarami ang nawalan ng kuryente sa Metro Manila kung saan mahigit sa 1 milyong customer ang apektado, sumunod ang Bulacan, 682,268 na wala pa ring kuryente kahapon ng tanghali.

Sabi ni Zaldariagga, ang mga lugar na apektado bukod sa Metro Manila at Bulacan ay Cavite, Rizal, Laguna, Quezon, Batangas at Pampanga.

“Widespread po yung naging impact nitong Ulysses sa aming franchise area,” sabi ni Zaldarriaga.

Sabi niya, hindi pa maibalik ang kuryente sa mga bahang lugar dahil delikado ito para sa mga taong naninirahan doon pati na sa kanilang mga tauhan.

Sa Bulacan, maraming mga poste ng Meralco ang natumba samantalang may mga poste namang iniulat na sumabog o kumislap. (Eileen Mencias)

The post Halos 4M Meralco customer apektado ng bagyo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *