Hairdresser na bading patay sa heat stroke

NAMAMAGA na ang katawan at maitim na ang ulo nang matagpuan ang walang saplot na bangkay ng isang beking hair dresser na hinihinalang inatake ng heat stroke kahapon nang umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

The post Hairdresser na bading patay sa heat stroke appeared first on Abante News Online.

hairdresser na bading patay sa heat stroke - Hairdresser na bading patay sa heat stroke
heat 2 - Hairdresser na bading patay sa heat stroke

NAMAMAGA na ang katawan at maitim na ang ulo nang matagpuan ang walang saplot na bangkay ng isang beking hair dresser na hinihinalang inatake ng heat stroke kahapon nang umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni PS/Sgt. Teody Siguen ng Manila Police District-homicide section ang biktima na si Nell Dawn Sanchez, 55-60 ang edad, hairdresser sa Chams Salon and Spa at nangungupahan sa Room 403 NDR Building sa 2207 Oroqueta St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon, dakong alas-6:30 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima ng kasambahay na si Teresita Roman nakatira sa roof top ng gusali.

Nalaman na huling nakitang buhay ang biktima noong Abril 5, 2019 habang naggugupit at magmula noon ay hindi na nila nakita si Sanchez.

Walang saplot sa katawan ang biktima at hinalang inatake ito dahil sa sobrang init.

Una umanong nakaamoy ng masansang ang security guard ng gusali na si Jimmy Torres at kaagad nitong ipi­nagbigay-alam sa land lady ng biktima na si Eleonor Quita dahilan para utusan nito si Roman na tingnan ang kuwarto ng biktima.

Bahagya naman umanong nakabukas ang pintuan ng kuwarto ni Sanchez at nang buksan ay nakita ang nakahandusay na biktima. (Juliet de ­Loza-Cudia)

The post Hairdresser na bading patay sa heat stroke appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *