Hagupit ng pandemya: Disney sisibakin 28K empleyado

Inanunsiyo ng Walt Disney Co. na balak nilang tanggalin sa trabaho ang nasa 28,000 nilang manggagawa sa kanilang mga theme park dahil sa epekto ng pandemyang coronavirus.

The post Hagupit ng pandemya: Disney sisibakin 28K empleyado first appeared on Abante.

hagupit ng pandemya disney sisibakin 28k empleyado - Hagupit ng pandemya: Disney sisibakin 28K empleyado
abante disneyland - Hagupit ng pandemya: Disney sisibakin 28K empleyado

Inanunsiyo ng Walt Disney Co. na balak nilang tanggalin sa trabaho ang nasa 28,000 nilang manggagawa sa kanilang mga theme park dahil sa epekto ng pandemyang coronavirus.

Nasa 67 porsiyento ng nasabing bilang ay mga part-time employee, ayon kay Josh D’Amaro, chairman ng Disney Parks, Experiences and Products.

Una nang sinara ng Disney ang mga theme park nito sa Amerika noong Marso, upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.

Makalipas ang higit anim na buwan, sarado pa rin ang Disneyland at Disney California Adventure parks.

Samantala, balik operasyon na ang Downtown Disney noong Hulyo at ang Walt Disney World sa Florida noong summer pero nahihirapan umano ang mga ito sa attendance limit at iba pang paghihigpit kontra sa virus. (SDC)

The post Hagupit ng pandemya: Disney sisibakin 28K empleyado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *