Habambuhay na hatol sa dayuhang tulak ng droga

HINATULAN ng habambuhay na pagkabilanggo ng Makati City Regional Trial Court (RTC) ang isang Chinese national matapos itong mapatunayang nagkasala sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot kahapon nang umaga sa Makati City.

The post Habambuhay na hatol sa dayuhang tulak ng droga appeared first on Abante News Online.

habambuhay na hatol sa dayuhang tulak ng droga - Habambuhay na hatol sa dayuhang tulak ng droga
prison 3 - Habambuhay na hatol sa dayuhang tulak ng droga

HINATULAN ng habambuhay na pagkabilanggo ng Makati City Regional Trial Court (RTC) ang isang Chinese national matapos itong mapatunayang nagkasala sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot kahapon nang umaga sa Makati City.

Sa limang pahinang desisyon ni Makati City RTC Judge Selma Palacio Alaras ng Branch 63, inatasan ang akusadong si Shi Jian Jia, nasa hustong gulang na magbayad ng danyos na multa ng P500,000 makaraang mapatunayan nagkasala sa kasong paglabag sa Section 5 Article 2, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dakong alas-10:00 nang umaga nang ipataw ni Judge Alaras ang hatol na habambuhay na pagkakulong laban sa akusado.

Base sa record, naaresto ang akusado noong buwan ng Marso ng nakaraang taon sa isang drug raid sa lungsod ng Makati at nakuhanan ng 2.8 kilograms na shabu.

Nagkaroon din ng follow up operation ang mga awtoridad kung saan nabisto ang isang shabu laboratory sa Muntinlupa City kung saan nasamsam din ang nasa limang milyong halaga ng droga.

Napag-alaman na dito umano kumukuha si Shi ng mga droga na ibinebenta nito sa kanyang mga parok­yano.

Kahapon sa pagdalo ni Shi sa sala ni Judge Alaras, dahil sa walang interpreter, tumulong ang isang abogadong nakakapagsalita ng Chinese at gumamit na lamang din ng google translate para maunawaan ang hatol ng korte laban sa kanya. (Armida Rico)

The post Habambuhay na hatol sa dayuhang tulak ng droga appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *