Guwardiya tinarakan ng sinitang tandem

Agaw-BUHAY ang security guard nang saksakin ng isa sa riding-in-tandem na umano’y pinagsalitaan ng masama ng una habang ang mga ito ay nagtatanong sa lugar sa Malabon City, Linggo nang gabi.

guwardiya tinarakan ng sinitang tandem - Guwardiya tinarakan ng sinitang tandem
saksak 2 - Guwardiya tinarakan ng sinitang tandem

Agaw-BUHAY ang security guard nang saksakin ng isa sa riding-in-tandem na umano’y pinagsalitaan ng masama ng una habang ang mga ito ay nagtatanong sa lugar sa Malabon City, Linggo nang gabi.

Ginagamot ngayon sa Fatima Medical Center si Manolito Gongob, 34-an­yos, ng No. 57 Sisa Ext., Barangay Tinejeros ng na­sabing lungsod dahil sa malalim na saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

Sa pahayag ng testigo na si Clinton Abellianos, nangyari raw ang pananaksak sa kahabaan ng Golden Dale St., Barangay Tinejeros, Ma­labon City, dakong alas-11:00 nang gabi.

Nakatayo si Manolito nang huminto ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at nagtanong ng lugar sa una.

Pinagsalitaan umano ng masama ng biktima ang mga suspek kaya bumaba ang angkas at walang sabi-sabing sinaksak siya nito.

Tumakas ang dalawa patungong San Pascual St. habang ang ibang naroroon ay dinala sa nabanggit na pagamutan si Manolito.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *