Gutoc: Otso Diretso ipapanalo ng taumbayan

HUMARAP man sa maraming pagsubok sa kampanya, nakahanap naman ng kakampi ang mga kandidato ng Otso Diretso sa mga ordinaryong Pilipino na kumikilos upang suportahan at ikampanya sila para manalo sa darating na eleksyon.

The post Gutoc: Otso Diretso ipapanalo ng taumbayan appeared first on Abante News Online.

gutoc otso diretso ipapanalo ng taumbayan - Gutoc: Otso Diretso ipapanalo ng taumbayan
abante gutoc - Gutoc: Otso Diretso ipapanalo ng taumbayan

HUMARAP man sa maraming pagsubok sa kampanya, nakahanap naman ng kakampi ang mga kandidato ng Otso Diretso sa mga ordinaryong Pilipino na kumikilos upang suportahan at ikampanya sila para manalo sa darating na eleksyon.

Pinasalamatan ni Samira Gutoc ang taumbayan dahil walang takot nitong ipinaglaban ang kanilang paniniwala sa Otso Diretso kahit na karamihan sa mga lokal na opisyal ay takot na madikit ang kanilang pangalan sa oposisyon.

Sa isang talumpati sa Cebu nitong Linggo, sinabi ni Samira na ang taumbayan ang magdadala sa mga kandidato ng Otso Diretso sa Top 12 na senador sa paparating na eleksyon. Ito ay sa kabila ng pagtalikod sa kanila ng mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan.

“Dahil po sa inyo sa Cebu, sa Visayas, kayo po ang magpapaakyat sa Otso Direto sa Top 12 sa eleksyon. You are not afraid, you are fearless, you are avengers,” ani Samira.

“Akala nila dehado kami. Walang governor na tumatapat, walang mayor na nagbibigay, walang barangay na nagbibigay ng plataporma. Pero dahil sa Cebu, mananalo ang Otso Diretso,” matapang pa niyang sinabi.

Hiling ni Samira na mas marami pang mga Pilipino ang tumaya sa Otso Diretso dahil kailangan magkaroon sa Senado ng mga tagapagsalita ng mga napag-iiwanan sa lipunan.

The post Gutoc: Otso Diretso ipapanalo ng taumbayan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *