Gutoc: Mga duwag sa debate, walang paninindigan

ANG mga kandidatong patuloy na umuurong sa mga debate ay walang dignidad para sumabak sa isang eleksyon, diin ito ng kandidato ng Otso Diretso na si Samira Gutoc.

The post Gutoc: Mga duwag sa debate, walang paninindigan appeared first on Abante News Online.

gutoc mga duwag sa debate walang paninindigan - Gutoc: Mga duwag sa debate, walang paninindigan
ABANTE samira gutoc - Gutoc: Mga duwag sa debate, walang paninindigan

ANG mga kandidatong patuloy na umuurong sa mga debate ay walang dignidad para sumabak sa isang eleksyon, diin ito ng kandidato ng Otso Diretso na si Samira Gutoc.

Bunsod ito ng patuloy na pagtanggi ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago na lumahok sa mga debate bago ang botohan. Karamihan sa mga ito, nangunguna pa rin sa mga survey sa kabila ng hindi nila pagsipot sa mga debate.

Kaya giit ni Gutoc, hindi dapat dinadaan sa shortcut ng mga kandidato ng administrasyon ang panliligaw sa taumbayan.

Nauna nang binanatan ng oposisyon ang paraan ng kampanya ng Hugpong na puno ng aliwan ngunit walang tinatalakay na isyu na nakakaapekto sa mga Pilipino.

“Candidates who do not appear in debates do not lend dignity to the elections. You think that you can shortcut the process, you’re on top of the survey, you think you can buy people and I think you do, you’re buying the election process when you do not appear and give credence to arguments, to issues, to platforms,” ani Samira.

Dagdag ni Samira, walang mintis pa rin nilang susuyuin ang taumbayan sa marangal at honorableng paraan kahit na salat sa makinarya ang oposisyon.
Aniya, malaking tulong din ang ginagawang kampanya ng mga volunteer para ipakilala ang Otso Diretso sa mga tao.

Bukod kay Samira, doble-kayod din sa kampanya ang mga kasama niya sa Otso Diretso na sina Senator Bam Aquino at Magdalo Rep. Gary Alejano; ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas at dating Congressman Erin Tañada; at ang mga bago ring sasabak sa politika: dating Solicitor General Pilo Hilbay, ang iginagalang na human rights lawyer na si Chel Diokno, beteranong election lawyer na si MacaRomy Macalintal.

The post Gutoc: Mga duwag sa debate, walang paninindigan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *