Gusot sa Batasan aayusin ni Duterte

INAASAHANG matutuldukan na ang awayan sa liderato ng Kamara sa pagitan nina

The post Gusot sa Batasan aayusin ni Duterte first appeared on Abante.

gusot sa batasan aayusin ni duterte - Gusot sa Batasan aayusin ni Duterte
abante duts 2 - Gusot sa Batasan aayusin ni Duterte

INAASAHANG matutuldukan na ang awayan sa liderato ng Kamara sa pagitan nina

House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco kasunod ng balitang pakikipagpulong ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing mga House leader.

Kahapon ay kinumpirma ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac, partidong kinaaniban ni Velasco ang impormasyon.

Maging si Deputy Speaker Dan Fernandez ay nagkumpirma sa face-to-face nina Cayetano at Velasco na gaganapin umano sa Malacanang.

Sasamahan din ayon kay Munsayac si Velasco ng mga party leader at mga kaalyadong koalisyon sa Kamara.

Samantala, napaulat sa Politiskoop na tandem sina Pangulong Duterte at Davao Mayor Sara para matupad ang ’15-21’ term sharing sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

Ang dahilan ayon sa ulat ng Politiskoop ay puntirya lang ng mag-amang Duterte na inisin si dating Speaker Pantaleon Alvarez na nagpahayag na ‘divisive’ ang term sharing.

“Hindi ako sang-ayon sa term-sharing, this is not about the speakership, this is about the country. Divisive yan eh…Para sa akin kung naumpisahan ni Congressman Alan Peter Cayetano yan, ipatapos mo na sa kanya yan,” pahayag ni Alvarez sa ANC interview patungkol sa term sharing.

Nabatid pa sa source ng Politiko online news maliban kina Velasco, Cayetano ay kasama rin sa pulong si House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez para pag-usapan ang term sharing deal.

Ayon pa sa source tatalakayin sa pulong kung kailan isusurender ni Cayetano ang liderato ng Kamara kay Velasco.

Sinsabing maari itong mangyari sa Oktubre katulad ng napagkasunduan o sa Disyembre para masiguro ang maayos na pagpapasa ng 2021 national budget.

Napag-alaman din na ang Pangulo at si Mayor Sara ay naging malinaw sa mga mambabatas na nais nilang tumupad si Cayetano sa naging kasunduan.

Matatandaang nakaraang linggo ay hayagang idineklara ng mga kaalyado ni Cayetano ang patuloy na suporta sa liderato nito sa kabila selyadong term sharing.(Eralyn Prado)

The post Gusot sa Batasan aayusin ni Duterte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *