Gusali sa China ipapangalan sa ina ni Digong

NAKATAKDANG pasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa China ang isang gusali ng Fujian University na ipinangalan sa kanyang inang si Ginang Soledad Duterte.

gusali sa china ipapangalan sa ina ni digong - Gusali sa China ipapangalan sa ina ni Digong
ABANTE Soledad duterte - Gusali sa China ipapangalan sa ina ni Digong

NAKATAKDANG pasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa China ang isang gusali ng Fujian University na ipinangalan sa kanyang inang si Ginang Soledad Duterte.

Isa ito sa mga magiging aktibidad ng Pangulo sa kanyang working visit sa China kasama ang ilang miyembro ng kanyang gabinete.

Ayon sa Pangulo, isang guro ang kanyang ina at isa sa mga unang nagturo sa isang paaralan sa Davao City.

Kaya aniya may ipinangalang gusali sa kanyang ina dahil sa pagtataguyod nito sa edukasyon ng mga estudyante.

“Im proceeding to Fujian, sa University of Fujian because they built a building in honor of my mother, so I’m going there to inaugurate that,” anang Pangulo.

Ang gusali ayon sa Presidente ay gagamitin ng mga dayuhang estudyan­te na iniimbitahan ng China para mag-aral sa kanilang bansa. (Aileen Tali­ping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *