Guro natagpuan ang forever sa ‘Oplan Sita’

HINDI lahat ng nakokorner sa ‘Oplan Sita’ ng Philippine National Police (PNP) ay malas o hassle.

The post Guro natagpuan ang forever sa ‘Oplan Sita’ appeared first on Abante News Online.

guro natagpuan ang forever sa oplan sita - Guro natagpuan ang forever sa ‘Oplan Sita’
Abante 2019 Abante Mo - Guro natagpuan ang forever sa ‘Oplan Sita’

HINDI lahat ng nakokorner sa ‘Oplan Sita’ ng Philippine National Police (PNP) ay malas o hassle.

Ito ay dahil sa magandang naidulot sa isang pulis at guro sa ipinapatupad na “Oplan Sita” ng kapulisan dahil ito ang naging daan para makahanap sila ng forever.

Nagsisilbi ngayong inspirasyon sa mga single ang love story ng isang pulis at guro matapos ibahagi ng Facebook page na “BuhayLespu” ang kuwento ni Clarisse Lazaro Jao Saddaramil.

Ayon sa guro, nakilala niya ang kanyang mapapangasawang pulis nang parahin siya sa ‘Oplan Sita’ dahil nagmomotor siya noon.

Hindi niya akalaing natandaan ng pulis ang pangalan niya, hinanap siya sa Facebook at in-add siya.

Siyempre umano ay natuwa siya at ngayon nga ay mauuwi na sila sa kasalan.
Makikita sa FB post ang aktuwal na larawan kung kailan siya nasita ng pulis sa checkpoint.

Parami na nang parami ang likes at comments sa nasabing FB post. (Issa Montero-Santiago)

The post Guro natagpuan ang forever sa ‘Oplan Sita’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *