Gun runner utas sa engkuwentro

Dedbol ang isang gun runner nang maki-pagbarilan ito sa mga pulis na binilhan niya ng baril sa Caloocan City, kamakalawa nang gabi.

The post Gun runner utas sa engkuwentro appeared first on Abante News Online.

gun runner utas sa engkuwentro - Gun runner utas sa engkuwentro
dead 2 - Gun runner utas sa engkuwentro

Dedbol ang isang gun runner nang maki-pagbarilan ito sa mga pulis na binilhan niya ng baril sa Caloocan City, kamakalawa nang gabi.

Namatay sa pinangyarihan ng krimen ang suspek na si Jimverick Infante alyas “Jimboy”, nasa hustong gulang dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat kay acting Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, dakong alas-10:45 nang gabi nang ikasa ng mga tauhan ng Caloocan Police Intelligence Branch (IB) ang buy-bust operation laban sa suspek sa loob ng isang abandonadong compound sa No. 33 Maraiuhat St. Brgy. 179, Amparo.

Isa sa mga pulis ang umiskor ng baril kay Infante na umanoy isang cal 38.
Matapos iabot ang boga sa undercover na pulis, sumenyas na ang buyer sa kanyang mga kasamahan para arestuhin ang suspek.

Pero nakatunog si Infante at tumakbong papalayo saka namutok pero wala namang tinamaan.

Dito na gumanti ang mga operatiba ng IB at pinaputukan ang suspek na nagresulta ng kanyang kamatayan. (Orlan Lind

The post Gun runner utas sa engkuwentro appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *