Guilty sa droga! Parojinog Jr. habambuhay kulong

HABAMBUHAY na pagkabilanggo ang inihatol kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 79 laban kay Reynaldo Parojinog Jr. sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

The post Guilty sa droga! Parojinog Jr. habambuhay kulong appeared first on Abante News Online.

guilty sa droga parojinog jr habambuhay kulong - Guilty sa droga! Parojinog Jr. habambuhay kulong
prison - Guilty sa droga! Parojinog Jr. habambuhay kulong

HABAMBUHAY na pagkabilanggo ang inihatol kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 79 laban kay Reynaldo Parojinog Jr. sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Ayon kay Presiding Judge Nadine Jessica Corazon Fama, maliban sa reclusion perpetua na hinatol laban kay Parojinog, pinagmumulta rin ito ng P500,000.

Iginiit ni Judge Fama na nabigong magprisinta si Parojinog ng mga ebidensya upang ibasura ang akusasyon laban sa kaniya, at hindi rin kinatigan ang sinabi nitong tinanim lamang ang mga ebidensya laban sa kanya.

Magugunitang noong July 30, 2017, sa bisa ng search warrant ay inaresto si Parojinog sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Sta. Cruz, Ozamis City, Misamis Occidental matapos na masamsaman ng umaabot sa 116.9578 gramo ng shabu.

Napatay sa raid ang ama niyang si dating Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., habang inaresto ang kapatid na si dating Ozamis Vice Mayor Nova Princess Parojinog at iba pang mi­yembro ng pamilya nito.

Bukod sa illegal possession of drugs, si Parojinog Jr. ay may kasong illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of explosives. (Dolly Cabreza)

The post Guilty sa droga! Parojinog Jr. habambuhay kulong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *