Guevarra: Korapsyon task force may sasampolan bago mag-2021

Umaasa ang Department of Justice na nangunguna sa Task force against corruption na may masasampahan ng kaso kahit isa sa Ombudsman bago magtapos ang 2020.

The post Guevarra: Korapsyon task force may sasampolan bago mag-2021 first appeared on Abante.

guevarra korapsyon task force may sasampolan bago mag 2021 - Guevarra: Korapsyon task force may sasampolan bago mag-2021
abante guevara - Guevarra: Korapsyon task force may sasampolan bago mag-2021

Umaasa ang Department of Justice na nangunguna sa Task force against corruption na may masasampahan ng kaso kahit isa sa Ombudsman bago magtapos ang 2020.

Kinumpirma rin ng Justice Secretary Menardo Guevarra na nasa 60 reklamo na ang natatanggap sa ngayon ng task force.

Kabilang sa mga inirereklamo ay mga opisyal sa mga ahensya ng gobyerno at mga local government unit.

Partikular na mga tanggapan na isinusumbong ay Land Registration Authority, Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Department of Public Works and Highways, at Land Transportation Office.

“He (Justice Secretary Menardo Guevarra) said there are a lot of agencies involved. Some involved very petty amount, some involved very large amounts in the hundreds and million,” ayon kay Senator Sonny Angara na nag-isponsor sa budget ng DOJ sa plenary debate nitong Biyernes.

Prayoridad na kakalkalin sa korapsyon ng task force ay ang DPWH, LRA, BOC, BIR at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealt).

Ang task force ay binubuo ng mga opisyal sa Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Office of the President, at Presidential Anti-Corruption Commission.

The post Guevarra: Korapsyon task force may sasampolan bago mag-2021 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *