Guanzon nainggit sa US election

Sa US election, lumalabas na nasa 150 milyong Amerikano ang bumoto o 70 porsiyento ang naging turnout.

The post Guanzon nainggit sa US election first appeared on Abante.

guanzon nainggit sa us election - Guanzon nainggit sa US election
Rowena Guanzon - Guanzon nainggit sa US election

Sa US election, lumalabas na nasa 150 milyong Amerikano ang bumoto o 70 porsiyento ang naging turnout.

Sa tweet ni Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon nais niyang ganito rin ang ganap sa 2022 presidential elections.

“Estimated 150 M Americans voted, or around 70%. I wish we can have this turn out in 2022,” sabi ni Guanzon.

Ngunit may ilang mga nagpahayag ng kanilang opinyon sa tweet ni Guanzon na kung sakaling umabot man ito sa 70 porsiyento na turnout, ay huwag lang sana umanong masayang o mauwi ang kanilang boto dahil hindi nila napaglaanan ng oras na saliksikin ang mga kandidato.

Isa rin sa walang katapusang problema pagdating sa eleksyon ay ang pagdagsa ng mga taong nais bumoto sa mga presinto, ngunit sa ilang oras na ginugol sa pagtingin o paghahanap sa kanilang mga pangalan, ay nabibigo ang mga ito dahil sa iba’t ibang kadahilanan na kalaunan ay umuwi nang hindi nakakaboto.

Gayunman, ikinokonsidera rin na maaring maging malaking bahagi sa 2022 presidential elections ang mga bagong botante na hinihikayat lumabas at bumoto. (Mina Navarro)

The post Guanzon nainggit sa US election first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *