Guanzon kay Cardema: Hindi siya victim, corrupt ‘yan!

MATIGAS ang paninindigan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa laban kay dating National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema na tumatayong kinatawan ng Duterte Youth Party-list group.

guanzon kay cardema hindi siya victim corrupt yan - Guanzon kay Cardema: Hindi siya victim, corrupt ‘yan!
abante Guanzon - Guanzon kay Cardema: Hindi siya victim, corrupt ‘yan!

MATIGAS ang paninindigan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa laban kay dating National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema na tumatayong kinatawan ng Duterte Youth Party-list group.

Sa isang panayam sa GMA 7, sinabi ni Guanzon na hindi siya makikipag-ayos kay Cardema na tinawag niyang sinungaling, matanda, trying hard, mapagpanggap.

“Ba’t kami magbabati? I don’t even know him. ‘Wag siya magpakita sa akin, baka suntukin ko siya,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Guanzon na ang mga taong katulad ni Cardema ay wala dapat sa gobyerno.

“I don’t want him to look like the victim here, eh siya itong nagte-threaten as iha-harm ako, papatayin niya ako, mga pamangkin ko. Iyong nagba-bribe ng commissioners, hindi ‘yan victim, corrupt ‘yan. Iyan ang mga taong hindi dapat nakaupo sa puwesto,” hirit pa ni Guanzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *