Guanzon dinurog si Cardema: Pasaway ka sa batas!

MALINAW ang pagtatangka ni dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema na paikutan ang batas at patakaran sa bigo nitong maging kinatawan ng Duterte Youth Party-list.

guanzon dinurog si cardema pasaway ka sa batas - Guanzon dinurog si Cardema: Pasaway ka sa batas!
cardema - Guanzon dinurog si Cardema: Pasaway ka sa batas!

MALINAW ang pagtatangka ni dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema na paikutan ang batas at patakaran sa bigo nitong maging kinatawan ng Duterte Youth Party-list.

Ito ang patutsada ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon matapos ikansela ang nominasyon kay Cardema bilang kinatawan ng nasabing party-list.

Ayon kay Guanzon, ang pag-atras ng limang orihinal na nominee para makapasok si Cardema ay malinaw na pagtatangka para makaiwas sa umiiral na batas at patakaran.

Ang naturang hakbang din umano ang ginawang panakip para maitago ang ineligibility ni Cardema para maging nominee ng Duterte Youth.

“Circumstances surrounding the … withdrawal of all five (5) original nominees and the subsequent nomination of Cardema …speak resoundingly of a clear attempt, not just to circumvent the law and the rules, but also to hide from the electorate Cardema’s ineligibility as nominee,” tweet ni Guanzon.

Nitong Lunes ay nilabas ng Comelec First Division ang desisyon para ibasura ang certificate of nomination and acceptance (CONA) ni Cardema dahil sa pagiging over aged nito.

Bilang youth party-list, dapat ay 30-anyos pababa lamang ang nominee pero si Cardema ay 34-anyos nang isampa ang CONA. Ang limang orihinal na nominee ay umatras noong Mayo 12, isang araw bago ang halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *