Graduating student bumigay sa dengue; magulang tumanggap ng diploma

PATAY ang 26-anyosna dalagang graduating student ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) matapos itong tamaan ng sakit na dengue noong Miyerkules sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

graduating student bumigay sa dengue magulang tumanggap ng diploma - Graduating student bumigay sa dengue; magulang tumanggap ng diploma
2019 Abante Dengue - Graduating student bumigay sa dengue; magulang tumanggap ng diploma

PATAY ang 26-anyosna dalagang graduating student ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) matapos itong tamaan ng sakit na dengue noong Miyerkules sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Kinilala ni Villasis Municipal Health (VMH) officer Dr. Gloria Liberato, ang biktima na si Gladys Ubaldo, ng nasabing bayan.

Sa report base na rin sa testimonya ng mga magulang ni Ubaldo sa VMH, noong mga ilang araw bago namatay ang biktima, nakaranas umano siya ng pananakit ng ulo na agad namang dinala sa health center upang sumailalim sa laboratory test.

Naging positibo sa sakit na dengue ang biktima kung saan bumagsak ang kanyang blood platelets count mula 120 hanggang umabot sa 47 at nagkaroon na ito ng kumplikasiyon na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa mga magulang ni Ubaldo, ang biktima ay magtatapos na sana ng technical vocational course bilang isa sa mga honor student ng TESDA noong Miyerkules ngunit mga magulang na lamang niya ang tumanggap ng diploma.

“Masakit, parang namaalam pa siya. Sabi niya na hindi niya daw kaya, at nagpasalamat pa sa amin ng mama niya,” mangiyak-niyak na sinabi ng ama ng biktima na si Jeremias Ubaldo. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *