Grace Poe bet nina Ate Vi, Shawie sa Senado

LALONG lumakas ang kandidatura ni Senadora Grace Poe nang magpaki­ta ng suporta sa kanya si Megastar Sharon Cuneta kasunod ng pahayag ng lubos na pagsuporta sa kanya ni Batangas Representative Vilma Santos-Recto kamakailan.

The post Grace Poe bet nina Ate Vi, Shawie sa Senado appeared first on Abante News Online.

grace poe bet nina ate vi shawie sa senado - Grace Poe bet nina Ate Vi, Shawie sa Senado
ABANTE grace poe 1 - Grace Poe bet nina Ate Vi, Shawie sa Senado

LALONG lumakas ang kandidatura ni Senadora Grace Poe nang magpaki­ta ng suporta sa kanya si Megastar Sharon Cuneta kasunod ng pahayag ng lubos na pagsuporta sa kanya ni Batangas Representative Vilma Santos-Recto kamakailan.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Cuneta: “Sen. Grace Poe has my full support and my heart. May God bless you, Senator!”

Sumagot naman si Poe ng “Maraming salamat sa pagtitiwala at pagmamahal ng nag-iisang Megastar, Ms. Sharon Cuneta!.”

Nauna rito, nangako si Poe na magtutulak siya ng mas maraming batas na magpapabuti sa kapakanan at kabuhayan ng mga Pilipinong naninirahan sa mga probinsya.

Ito ang binitawang pahayag ni Poe sa pagbisita nito sa lalawigan ng Batangas kasama ang suporta nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, asawa ng kongresistang si Vilma Santos-Recto at Gobernador Hermilando Mandanas.

“Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng lehislatura, magsusulong tayo ng mga batas, polisiya at programang magpapayaman sa buhay ng mga Batangueño at iba pang kababayan natin sa mga lalawigan,” sabi ni Poe.
Nagpahayag naman ng malaking suporta si Ate Vi kay Poe na nagmula rin sa industriya ng entertainment tulad ng ama nitong si Fernando Poe Jr. o FPJ.
“Malaki ang iniangat ng kalidad ni Sen. Poe bilang lider mula nang magbalik sa bansa para ilaban ang kanyang ama na naging biktima ng Dagdag-Bawas sa halalang pampanguluhan noong 2004,” ani Ate Vi. “Ang pagpapakita niya ng malasakit sa mga kabataan at bata ay tunay at totoong ipag­lalaban niya ang mga probinsiya para umangat ang buhay.”

The post Grace Poe bet nina Ate Vi, Shawie sa Senado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *