GPTA dumepensa sa ‘tablet’ ng mga Caloocan student

Umapela kahapon ang General Parents’-Teachers’ Association (GPTA) sa ilang konsehal sa Caloocan City na mag “move-on” na sa halip na mag-ingay at mag-imbento ng mga isyu laban kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan.

The post GPTA dumepensa sa ‘tablet’ ng mga Caloocan student first appeared on Abante.

gpta dumepensa sa tablet ng mga caloocan student - GPTA dumepensa sa ‘tablet’ ng mga Caloocan student
Oca - GPTA dumepensa sa ‘tablet’ ng mga Caloocan student

Umapela kahapon ang General Parents’-Teachers’ Association (GPTA) sa ilang konsehal sa Caloocan City na mag “move-on” na sa halip na mag-ingay at mag-imbento ng mga isyu laban kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan.

Tinukoy ng GPTA sina Councilor P.J. Malonzo at Rose Mercado na pawang pinatalsik sa partido ni Malapitan.

Sinabi ni GPTA president Jasper Basmayor na “bitter” pa rin ang dalawa sa aksyon ni Malapitan kaya’t pati ang mga pinamigay na tablet sa mga Grade 9 – Grade 12 sa siyudad ay kinuwestyon.

Sinabi ni Basmayor, walang depekto at maayos ang mga tablet na gamit ng mga estudyante.

“Nakakaduda lang na noon ay proud sila na makakapagbigay ng tablet ang city government, nang alisin sila sa partido, nag-ingay na sila. Bitter pa rin ba kayo Councilor Mercado at Councilor Malonzo?” ani nito.

Sinuportahan din ng pamunuan ng Schools Division Office (SDO)-Caloocan ang GPTA at nilinaw na walang sira ang mga tablet na gawa ng Cherry Mobile na pag-aari ng Cosmic Technologies.

“Custom-model ng Cherry Mobile ang mga tablet. Ginawa sila para sa specific na kailangan ng DepEd Caloocan. They are 4G and LTE-ready kahit na 3G lang ang karamihang nasa market ngayon. Ang ibig sabihin ay mas mataas pa ang kalidad ng ibinigay na tablet kumpara sa requirement ng DepEd. May inissue rin na certification ang DepEd na compliant tayo sa requirements ng tablet,” ayon kay SDO-Caloocan officer-in-charge Dr. Nerissa Losaria.

The post GPTA dumepensa sa ‘tablet’ ng mga Caloocan student first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *