Gov’t HQ sa Libya sinunog ng raliyista

Sinilaban ng mga nagpoprotesta sa Libya ang headquarters ng gobyerno sa Benghazi City sa ikatlong araw na rally sa naturang bansa.

The post Gov’t HQ sa Libya sinunog ng raliyista first appeared on Abante.

govt hq sa libya sinunog ng raliyista - Gov’t HQ sa Libya sinunog ng raliyista
abante libya - Gov’t HQ sa Libya sinunog ng raliyista

Sinilaban ng mga nagpoprotesta sa Libya ang headquarters ng gobyerno sa Benghazi City sa ikatlong araw na rally sa naturang bansa.

Ito’y para ireklamo ang nararanasang hirap ng pamumuhay ng mga Libyan kung saan iniinda ang bagsak na ekonomiya at madalas na blackout.

Armado ang ilang raliyista sa Benghazi, kung saan kanilang sinunog ang harapan ng government building na hindi naman nagdulot ng matinding pinsala matapos itong maapula.

Sa lugar naman ng Al-Marj, nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga security personnel at mga demonstrador, kung saan isang sibiyan ang namatay, tatlo ang nasugat, at ilan ang inaresto.

Nahati ang kampo sa Libya simula pa noong 2014, kung saan ang Eastern Libya ay kontrolado ng Libyan National Army ni commander Khalifa Haftar.

The post Gov’t HQ sa Libya sinunog ng raliyista first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *