Gov’t exec nakahawig si ‘Madam Kilay’ sa awrahan

Agaw-pansin sa isang maagang zoom interview ang kilay ng isang opisyal dahil nasobrahan ng kapal kaya nagmistulang si Madam Kilay.

The post Gov’t exec nakahawig si ‘Madam Kilay’ sa awrahan first appeared on Abante.

govt exec nakahawig si madam kilay sa awrahan - Gov’t exec nakahawig si ‘Madam Kilay’ sa awrahan
Abante Kartada 6 - Gov’t exec nakahawig si ‘Madam Kilay’ sa awrahan

Agaw-pansin sa isang maagang zoom interview ang kilay ng isang opisyal dahil nasobrahan ng kapal kaya nagmistulang si Madam Kilay.

Hindi mo mawari kung may-tattoo ba ang kilay ni madam official dahil naka-arko pa na tila pinag-aksayahan talaga ng oras para magmukhang maganda sa kanyang zoom meeting.

Pero hindi nakaligtas sa mga pilyong miron ang hitsura ni madam dahil hindi sila sanay sa medyo makapal na hitsura ng kanyang kilay.

Kahit naman kasi hindi na guhitan ang kilay ni madam ay maganda na ito dahil natural ang tubo at bagay sa kanyang mukha.

Pero tila nakulangan yata si ma’am at gusto pang maging mas maganda sa zoom meeting na naka-live stream kaya dinagdagan ang kapal ng kilay pero ang resulta ay hindi kaiga-igayang tingnan.

Naging pulutan tuloy si madam sa biruan at kulitan ng mga miron na anila ay nagmistulang kakambal ni Madam Kilay, ang media influencer na kung makaguhit ng kanyang kilay ay sobra-sobra at kung minsan ay iba-ibang kulay pa na tila pinintahan lang.

Sana may magbulong kay ma’am na ang sobra ay hindi rin nakakaganda, bagkus ay nakakasira pa,
Clue: Ang opisyal ay tagapagsalita ng isang ahensiya ng gobyerno na ngayon ay may malaking papel sa kapakanan ng mga Pilipinong matinding naapektuhan ng COVID-19.

The post Gov’t exec nakahawig si ‘Madam Kilay’ sa awrahan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *