Gov’t agency na makunat magbayad sinumbong sa Malacanang

Nakatikim ng sermon ng walang banlawan ang mga opisyal ng isang ahensiya ng gobyerno matapos isumbong sa Malacañang dahil ayaw halos magbayad sa malaking pagkakautang sa isang pribadong kompanya. Kahit kasi makailang ulit nang sumulat at nag-follow-up ang kompanya para maningil sa P32 milyong pagkakautang ay tila ba tengang-kawali ang mga opisyal at hindi nagbayad […]

The post Gov’t agency na makunat magbayad sinumbong sa Malacanang first appeared on Abante.

govt agency na makunat magbayad sinumbong sa malacanang - Gov’t agency na makunat magbayad sinumbong sa Malacanang
Abante Kartada 7 - Gov’t agency na makunat magbayad sinumbong sa Malacanang

Nakatikim ng sermon ng walang banlawan ang mga opisyal ng isang ahensiya ng gobyerno matapos isumbong sa Malacañang dahil ayaw halos magbayad sa malaking pagkakautang sa isang pribadong kompanya.

Kahit kasi makailang ulit nang sumulat at nag-follow-up ang kompanya para maningil sa P32 milyong pagkakautang ay tila ba tengang-kawali ang mga opisyal at hindi nagbayad kahit man lang pautay-utay sa napakalaking utang ng kanilang ahensiya.

Dahil dito napilitang lumapit ang mga opisyal ng kompanya sa isang opisyal sa Malacañang at humingi ng tulong para makapaningil.

Malaki kasi ang pagkalugi na ng pribadong kompanya sa kanilang operasyon simula magkaroon ng COVID pandemic kaya tinanggap nila ang transaksiyon sa naturang ahensiya para kahit papaano ay kumita.

Pero nang sinisingil na ang ahensiya ay halos hindi sila makakuha ng matinong kausap at kung kani-kanino sila ipinapasa at kung ano-anong mga dahilan kaya dumiretso na sila sa Malacañang.

Agad namang ipinaabot ng Palace official sa cabinet secretary na nangangasiwa sa ahensiya ang reklamo at ora mismo ay tinawagan ang mga opisyal ng ahensiya at sinabon ang mga ito.

Sa awa ng Diyos, nakasingil na ang pribadong kompanya kahit paunti-unti matapos sabunin ng katakot-takot ng mabait na cabinet secretary.

Kaya umabot ng P32 million ang utang ng kompanya ay dahil nagpauwi ito ng maraming mga kababayan mula sa ibang bansa.

O, given na ang clue, kailangan pa bang hulaan? May nanalo na!

The post Gov’t agency na makunat magbayad sinumbong sa Malacanang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *