Governor naglalaway sa US visa

SINO daw itong lokal na opisyal ng gobyerno ang atat makarating sa Estados Unidos?

governor naglalaway sa us visa - Governor naglalaway sa US visa
kartada11 14 - Governor naglalaway sa US visa

SINO daw itong lokal na opisyal ng gobyerno ang atat makarating sa Estados Unidos?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na may anak daw kasing nag-aaral sa US itong lokal na opisyal kaya’t gusto niyang bisitahin ito doon.

Ang problema, hindi siya mabigyan ng US visa dahil sumabit siya sa usapin ng power grab ng nagdaang administrasyon.

Kaya ang ginawa ng opisyal, naghanap ng padrino para makakuha ng US visa.

Mayroon pa itong kinutsabang opisyal para maisama siya sa listahan na bibigyan ng clearance subalit nabigo rin ito.

Kaya ang mood ngayon ng lokal na opisyal, nangangarap nang gising na balang araw ay makarating uli sa lupain ni Uncle Sam.

Pintahan n’yo na. Ang lokal na opisyal na isang gobernador ay maraming kaibigang mambabatas at may letrang A sa kanyang pangalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *