Governor kakasuhan ni Belgica sa Ombudsman

ombudsman

ISANG governor ang nakatakdang kasuhan­ ng Anti-Red Tape ­Authority (ARTA) sa Office of the Ombudsman ngayong araw.

governor kakasuhan ni belgica sa ombudsman - Governor kakasuhan ni Belgica sa Ombudsman
office of ombudsman - Governor kakasuhan ni Belgica sa Ombudsman

ISANG governor ang nakatakdang kasuhan­ ng Anti-Red Tape ­Authority (ARTA) sa Office of the Ombudsman ngayong araw.

Sa economic briefing sa Malacañang, sinabi ni ARTA Director Gene­ral Jeremiah Belgica na napatunayan sa kanilang imbestigasyon na inipit ng gobernador ang mga dokumentong dapat sana ay nailabas na ng kanyang tanggapan.

Gayunman ay tumangging pangalanan­ ni Belgica ang gobernador hangga’t hindi naisasampa ang reklamo sa Ombudsman.

Binigyang-diin ng opisyal na mandato nito na ipatupad ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay hindi iniipit ang mga dokumento sa mga transaksiyon sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at dapat ay abutin lamang ito ng isa hanggang tatlong araw para sa mga simpleng transaksiyon.

Hanggang pitong araw at 20 araw naman aniya para sa malala­king transaksiyon lalo na ang may kinalaman sa pagnenegosyo.

“ARTA is scheduled to file a case against a governor of a certain province, and we intend to file cases every week,” ani Belgica.

Sinabi ng opisyal na sa loob ng 100 araw ng kanyang panunungkulan ay nakapagsampa na ang ARTA ng walong kaso sa Ombudsman laban sa mga lumabag sa anti-red tape law, kabilang na dito ang dalawa mula sa Registry of Deeds, isang City Mayor, isang clerk, at tatlong opisyal mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *