Government employee na high value target inambus sa Zamboanga del Sur

TINADTAD ng bala ng hindi pa kilalang gunman ang isang emple­yado ng local government unit (LGU) ng Midsalip, Zamboanga Del Sur na isa ring high value target drug perso­nality habang nakaangkas sa isang motorsiklo kamakalawa nang hapon sa Purok Datu Guilingan, Barangay Poblacion ng ba­yang ito.

The post Government employee na high value target inambus sa Zamboanga del Sur appeared first on Abante News Online.

government employee na high value target inambus sa zamboanga del sur - Government employee na high value target inambus sa Zamboanga del Sur
ABANTE zambo - Government employee na high value target inambus sa Zamboanga del Sur

By Edwin Balasa

TINADTAD ng bala ng hindi pa kilalang gunman ang isang emple­yado ng local government unit (LGU) ng Midsalip, Zamboanga Del Sur na isa ring high value target drug perso­nality habang nakaangkas sa isang motorsiklo kamakalawa nang hapon sa Purok Datu Guilingan, Barangay Poblacion ng ba­yang ito.

Dead on-the-spot ang biktimang si Dante Jumawan Caangay, 43, resi­dente ng Barangay Cumarom ng nabanggit na bayan, na nakalista bilang isa sa mga high value target drug personality ng pulisya.

Nabatid na angkas ng motorsiklo ang biktima na minamaneho ng isang Jenito Omilig Megabon, 20-anyos bandang alas-kuwatro nang hapon sa Purok Datu Guilingan, Brgy. Poblacion A.

Pagdating sa harapan ng Jerson Caminade shop ay huminto ang motorsiklo at biglang sinalubong ng isang kulay gray na pick-up sabay labas ang isang lalaking nakasuot ng bonnet at armado ng kalibre .45 baril at pinagbabaril si Caangay sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na buma­lik ng sasakyan ang suspek at tumakas palayo sa lugar.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek gayundin ang motibo ng pagpatay.

The post Government employee na high value target inambus sa Zamboanga del Sur appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *