Gov kay general: Huwag bebot, hanap ka ng level mo!

Dapat mahiya sa sarili si AFP Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla.

The post Gov kay general: Huwag bebot, hanap ka ng level mo! first appeared on Abante.

gov kay general huwag bebot hanap ka ng level mo - Gov kay general: Huwag bebot, hanap ka ng level mo!
Lt. Gen. Antonio Parlade and Jonvic Remulla - Gov kay general: Huwag bebot, hanap ka ng level mo!

Dapat mahiya sa sarili si AFP Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng gobernador na nababahala siya sa “red-tagging” na aniya’y ginagawa ng ilang sangay ng Sandatahang Lakas.

Tinukoy ni Remulla ang red tagging ni Parlade, na siya ring tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), kina Angel Locsin, Liza Soberano, at Catriona Gray.

Dinamay rin aniya ng heneral si Manila Mayor Isko Moreno na pinatanggal ang mga tarpaulin sa Maynila na dinedeklarang “persona non grata” ang Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), at National Democratic Front (NDF).

Pinunto rin ni Remulla ang ginawa ng isang NTF-ELCAC speaker na pagbansag sa ilang grupo at aktibista bilang “communist terrorists” sa isang webinar na parte ng National Service Training Program (NSTP) orientation ng Cavite State University. Higit 1,000 freshman students aniya ang lumahok doon.

“Threatening progressive and outspoken WOMEN who want to encourage a stronger feminist culture? That does NOT make them co-conspirators nor allies of the left wing,” ani Remulla, Oktubre 26.

“Ok ka lang, Parlade? Your train of thought and reasoning are preposterous and shifty. If you want to threaten the lives of public personalities, may I suggest that you try knocking out someone on the same weight class?,” dagdag niya.

Nilinaw naman ng gobernador na siya ay hindi believer at sympathizer ng komunismo.(RC)

The post Gov kay general: Huwag bebot, hanap ka ng level mo! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *